December 31st, 2006
bago matapos ang taon...
things we must be thankful for:
1. Worries at the start of the day: means you are still alive
2. Headache at the end of the day: means you can still work hard
3. Clothes na di na masakto: means you have a good appetite
4. The mess to clean after a party: means you have friends around you
5. Roof that needs fixing: means you've got a house
6. Taxes to pay: means you aren't unemployed
thank you!!!
December 4th, 2006
para sa bago kong visitor
October 3rd, 2006
agree!!!
sabi ni classmate:
"bakit ganon? kung kelan alam kong patapos na 'tong sem, saka ako nanlalambot. parang wala na kong powers para tapusin ang mga dapat tapusin. e di ba nga, dapat, mas sinasabi natin sa sarili natin na... KONTI NA LANG...KAYA NATIN 'TO! ILANG ARAW NA LANG..."
sabi ko:
naku, TAMA KA DYAN CLASSMATE! I AGREE!!!
sabi ng prof ko:
"di ba nakakasama yun ng loob? yung tipong, lahat ng streets sa paligid nyo may ilaw na tapos yung block nyo na lang ang walang ilaw????"
sabi ko:
"sir, tama ka dyan! lahat ng mga kaibigan ko, may kuryente na sa mga bahay nila.... ako na lang wala! waaaaahhhh......"
grabe.... sobrang lungkot talaga:
1. andami ko pang nakatambak na gawain (acads)
2. andami pang dapat asikasuhin (org)
3. wala pa ring kuryente sa'min hanggang ngayon (tuesday)
4. wala pa ring telepono sa'min hanggang ngayon (tuesday)
5. elementary pa lang ako, nakatayo na yung matandang puno na yun dun sa bakanteng lote.... ngayon, wala na sya.....
6. sa inaraw-araw na pagpasok ko sa school, ang billboard ng bench sa coastal at billboard ng penshoppe sa buendia ang lagi kong nakikita.... alam ko kung bagong ads ang nakalagay dun o kung yung luma pa rin... ngayon, pareho na silang wala...
7. andaming nawalan ng bubong (at ng ceiling fan--kasi nakakabit nga sa bubong)
sabi ng classmate ko:
"tiba-tiba yung mga junkshops ngayon noh?!"
sabi ko:
"korek! AGREE!!!"
September 15th, 2006
lagot na...
grabe...
second exam na yun...
patay na ko!
lagot na ko!
ang bobo ko talaga..... ayoko na!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
August 13th, 2006
mabenta...
haha... mabenta sa'kin 'tong message na 'to! (salamat kay apple)
napangiti nya ko nang di oras...
may mga lalaking ok sa malayuan
talo naman sa malapitan
tawag namin sa kanila, mga lalaking
UY! AY!
UY! ang cute nya...
AY! bading pala...
*grabe...tinamaan talaga ko....
July 29th, 2006
binibining SUPER DEPRESSED!!!
sa 19 years na ikinabubuhay ko sa mundong ibabaw...
ngayon ko lang naisip kung gaano 'ko ka-tanga...
wala na lang akong ibang nasabi sa sarili kundi "aprille, ang bobo mo! ang bobo-bobo mo!!!"
nag-aral po ako.... (promise!)
pero bakit ganun pa rin???
anong nangyari???
gusto ko na mag-drop... pero hindi... hindi pwede! ibig sabihin kasi nun, sumusuko na ko.... (hindi pwede... hindi ako dapat magpasindak sa kahit na sino...)
gusto kong umiyak sa sobrang lungkot... pero hindi ko nagawa! may report pa kasi ako kinabukasan.....
tama ba naman yun???
wala kang panahong umiyak kasi busy ka sa acads?!?
weirdo talaga ng mundo......