naaliw ako dito sa eksenang 'to sa classroom:
prof: I want you to interview a senator regarding the budget process...
student 1 talking to student 2: oi, jinggoy estrada!
prof: uhm, please interview someone INTELLIGENT!
Bwehehe.....
ang cute!
yan ang tinatawag na BANAT!
Posted by dude_aprille on November 24, 2007 at 11:11 PM | napaisip ka ba?
may ale na sumakay sa hyatt.
ale: mama, eto bayad ko o! city hall lang!  (sabay abot ng 10pesos)
mamang driver: city hall po? kulang pa ng 5 pesos.
ale: ano? sampu lang ang binabayad ko araw-araw ah! pambihira! kasasakay ko lang.
mamang driver:  sa hyatt po kayo sumakay diba? 15 ho mula dun hanggang city hall.
(may isang girl na nagtanggol kay ale)
girl: hindi ho. 10 lang po dapat. kasasakay niya lang talaga mula hyatt.
ale: hindi miss. yaan mo na. o, eto na yung limang piso mo (talking to the driver) (tapos kinausap ulit yung girl) yaan mo na miss... di naman yan yayaman sa limang piso ko)
*parang ang 'mean' naman! sana kinimkim niya na lang ang sama ng loob niya sa driver... o bitter lang ako kasi pag sakin nangyayari yun eh di ako makaalma??? haaaayyyy......
Posted by dude_aprille on October 31, 2007 at 11:21 PM | napaisip ka ba?
sorry na po...
pinagsisisihan ko na nga po lahat ng kinwento ko dito tungkol sa inyo eh.
dati lang po yun.... first impressions.......
di ko naman po alam na mababasa mo 'to eh.
di na ko nag-blog ever sa tungkol sa inyo mula nung 1st year.
at di na ko magba-blog muli tungkol sa inyo...(tungkol sa iba na lang) kaya lang, binabasa mo pa rin. tapos, may halong issue pa...(kagaya ng first impression ko din kay sir_____________)
sorry na nga po...
wag nyo na pong ipaalala lahat.... nakakahiya eh!!!
please...
thank you!
Posted by dude_aprille on August 28, 2007 at 07:26 PM | napaisip ka ba?

grabe... ngayon ko lang na-realize...

 

hindi ko na pala alam kung pano kantahin ang "my toes, my knees.." (at kung yan nga ba ang title nyan)

 

my toes.... my knees... my shoulders... my head

my toes... my knees... my shoulders... my head

my toes... my knees... my shoulders... my head

 

 

 

 

 

ano na ang kasunod???

 

 

waaaahhh..... nakakahiya!!!!!!!!

Posted by dude_aprille on June 28, 2007 at 05:54 PM | napaisip ka ba?
fine!
 
 
suko na ko. para sa makakabasa nito, at alam ang sagot, sige na, ibulong mo na sakin ang sagot. please.....
 
 
salamat.
 
 
yung mga naka-bold, alam ko na. pag hindi, eh di hindi ko alam.... huhu....
 
 
(example: 60 S in a M - 60 seconds in a minute)
 
 
2 N in T to T
3 S of a T
4 Q in a G
5 B of M in the O T
7 W of the A W
10 P of E in the T of M
12 S of the Z
13 S on the A F
18 H on a G C
26 L of the A
27 B of N T
29 D of F in a L Y
32 D F at which W F
40 D and N of the G F
52 W in a Y
54 C in a D (JI)
80 D to G A the W
191 M S of the U N
206 B in a H B
Posted by dude_aprille on April 19, 2007 at 03:58 PM | 1 nagmamahal
aalis na ko...
ano kayang mami-miss ko???
  • tv?
  • kama?
  • telepono?
  • mall?
  • bahay?
  • computer?
  • dvds ko?
  • family?
  • friends?
uhm.... siguro, LAHAT!!!
lahat ng kaartehan ko sa buhay!!!!
haaaayyyy.........
bye-bye....
Posted by dude_aprille on April 17, 2007 at 08:19 AM | napaisip ka ba?

naging mainit talaga ang naging eleksyon sa school.

 

lahat ng issues, lumalabas bigla...

1.  may nag-claim na member sya ng org na 'to para maisulat nya sa kanyang credentials pero hindi naman pala talaga sya member nun...

2. may gamitan na naganap. walang-wala sa imahe niya na magiging isa siyang mabuting lider. bakit siya ang napili nilang patakbuhin?

3. issue sa pera!!! sa palagay ko, sa bawat flyer na nagkalat sa campus, malaking pera ang nasayang. sa inaraw-araw kong pagpasok sa school, araw-araw din akong nakakatanggap ng sticker mo. kung minsan pa, 3 flyers mo ang narereceive ko sa isang araw. aanhin ko naman ang tatlo?!? pagpasok namin sa room, puno ng nagkalat na flyers. paglabas namin, kami naman ang mag-iiwan ng dagdag na kalat na flyers dun din sa room. nanalo ba sila???? sayang yung pera....

4. puro black propaganda... siraan na lang ng imahe. haaay... naku!!!!

 

walang karapatan ang sinuman na batikusin ang baho ng iba kung siya mismo, ganun din ang klase ng bahong inilalabas!!!

 

isa pa pala, nakakainis yung tumatakbong puro porma lang naman! naku, ewan ko sayo!!!! puro ka porma!!! naaasar ako!!!!!!!!!!!   

 

 

nakakaamoy ako ng away..... sige, go!!! sapakan na lang!!!

Posted by dude_aprille on March 11, 2007 at 08:58 PM | napaisip ka ba?
« Newer · »